Wednesday, May 15, 2019

A Letter to My Long Time [Crush] Friendx

Hello, kamusta ka na? Gusto ko lang malaman mo na matagal na kitang gusto.

Gulat ka ba?

Feeling ko hindi. Siguro ay naisip mo na din ito noon, kung bakit iba ang turing ko sayo compared sa mga kaibigan ko, kung bakit kita pinipilit na samahan ako, at kung bakit ako nagagalit kapag nag-papakatanga ka para sa mga taong tinitake for granted ka.

Pasensya na din kung ngayon ko lang sinabi 'to. Ayokong isipin mo na niloloko kita all this time pero ayoko nang maglihim sa'yo. Ayoko din sana na mawala na hindi ko nasasabi ito. Gusto na kita mula nang nakilala kita e hindi nagbago yun. Akala ko talaga'y wala na ung feeling na yun pero hindi e, I still get lost in your eyes.

This weekend narealize ko na kailangan ko nang sabihin sa'yo. Alam kong walang patutunguhan ang nararamdaman ko pero kahit ganoon gusto kong malaman mo. Marahil ay hanggang kaibigan na lang tayo. Sana kung malaman mo ito'y walang magbago sa samahan natin dahil hindi naman nagbago ang pagtingin ko sa'yo.

Saturday, March 11, 2017

The Outcast 1

Lumaki si Julian sa pamilya ng kanyang mga tiyahin mula ng maulila ito matapos maaksidente ang kanyang mga magulang. Ang kanyang ate na sanggang dikit nya ay nangibang bansa upang matustusan ang kanyang pag-aaral at pang-araw-araw na gastusin. Hindi nya kasundo ang mga kanyang mga pinsan at madalas n'ya itong makasagutan. Sa school naman ay wala itong kaibigan madalas itong mag-isa at hindi sumasali sa mga extra curricular activities.

Matalino at malawak ang pang-unawa ni Julian. Ito rin ang nag-layo sa kanya mula sa mga tao sa paligid nya. Dati-rati ay wala itong takot na sinasabi ang nilalaman ng utak nya ngunit ngayon ay tikom nalang ang kanyang bibig dahil sa baka mamimisinterpret lang ito ng mga tao sa paligid nya. Tanging ang kanyang nakatatandang kapatid lamang ang nakakaintindi sa kanya.

Pagtungtong nito ng kolehiyo ay naisipan ni Julian na umalis na mula sa pangangalaga ng kanyang mga tiyahin.  Habang nag-aaral ay namasukan s'ya bilang isang crew sa isang kilalang fast food chain para kahit papaano ay hindi ito umasa sa padala ng kanyang ate.