Wednesday, May 15, 2019

A Letter to My Long Time [Crush] Friendx

Hello, kamusta ka na? Gusto ko lang malaman mo na matagal na kitang gusto.

Gulat ka ba?

Feeling ko hindi. Siguro ay naisip mo na din ito noon, kung bakit iba ang turing ko sayo compared sa mga kaibigan ko, kung bakit kita pinipilit na samahan ako, at kung bakit ako nagagalit kapag nag-papakatanga ka para sa mga taong tinitake for granted ka.

Pasensya na din kung ngayon ko lang sinabi 'to. Ayokong isipin mo na niloloko kita all this time pero ayoko nang maglihim sa'yo. Ayoko din sana na mawala na hindi ko nasasabi ito. Gusto na kita mula nang nakilala kita e hindi nagbago yun. Akala ko talaga'y wala na ung feeling na yun pero hindi e, I still get lost in your eyes.

This weekend narealize ko na kailangan ko nang sabihin sa'yo. Alam kong walang patutunguhan ang nararamdaman ko pero kahit ganoon gusto kong malaman mo. Marahil ay hanggang kaibigan na lang tayo. Sana kung malaman mo ito'y walang magbago sa samahan natin dahil hindi naman nagbago ang pagtingin ko sa'yo.

No comments:

Post a Comment